Transport strike ng grupong PISTON, nananatiling mapayapa – PNP

Mapayapa at walang naitalang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng ikinasang tigil-pasada ng grupong PISTON ngayong araw.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, sapat na bilang ng pulisya ang kanilang ipinakalat upang mapanatili ang kaayusan at seguridad at para na rin umagapay sa mga maaapektuhang mananakay.

Ani Fajardo, kasama sa kanilang mga ipinakalat ay mula sa Civil Disturbance Management, police visibility, mobile and foot patrol gayundin ang traffic management at checkpoint/border control.


Kasunod nito binigyang diin ni Fajardo na paiiralin pa rin ng pulisya ang maximum tolerance sa mga makikilahok sa transport strike kung saan hahayaan lamang nila na maghayag ng saloobin ang mga tsuper bilang bahagi ng demokratikong proseso basta’t kinakailangan lamang na sumunod ang mga ito sa batas.

Ang tigil-pasada ay bunsod ng naka ambang franchise consolidation deadline bukas, April 30 sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Facebook Comments