Transport strike ng MANIBELA, tuloy!

Tuloy ang tatlong araw na tigil-pasada ng grupong MANIBELA.

Sa kabila ito ng babalang babawian ng prangkisa ang mga tsuper na lalahok sa transport strike.

Ayon kay MANIBELA National President Mar Valbuena, kung suspindehin o ipawalang-bisa ang kanilang prangkisa, lalo lang mawawalan ng masasakyan ang mga pasahero.


Aniya, hindi bababa sa 200,000 PUVs mula sa siyam na rehiyon sa bansa, kabilang ang Metro Manila, ang lalahok sa strike sa July 24 hanggang 26.

Ipo-protesta ng grupo ang kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang concerns nila tungkol sa PUV Modernization Program kabilang ang anila’y pagkakait ng ruta sa mga traditional jeepney driver at operators at pagpabor sa mga LGU at malalaking korporasyon na pinabulaanan naman ng Department of Transportation.

Samantala, pag-uusapan naman ng DOTr at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at transport groups sa susunod na linggo kung paano haharapin ang posibleng epekto ng tigil-pasada.

Facebook Comments