Transport strike sa bahagi ng Pasay at Parañaque, ‘di ramdam dahil sa dami ng pumapasadang jeep

Hindi pa rin ramdam ang tigil-pasada sa bahagi ng Pasay at Parañaque ngayong umaga.

Nananatili kasing normal ang lagay ng pampublikong transportasyon kabila ng umiiral na transport strike ng grupong MANIBELA at grupong PISTON.

Ngayong Martes ang unang araw ng tigil-pasada ng naturang transport group na maagang nagtipon para ipanawagan ang kanilang hinaing kabilang ang umano’y panggigipit sa mga driver.

Facebook Comments