Manila, Philippines – Nakakasa na sa Lunes ang transport strike ng dalawang transport group sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ito ang kinumpirma ng presidente ng liga ng Transportasyon at mga Operator sa Pilipinas (LTOP) na si Lando Marquez.
Ayon kay Marquez, kaugnay pa rin ito ng pagtutol sa planong modernisasyon ng malacañang sa mga public utility vehicle.
Pero giit ng L-T-O-P, hindi sila kasali sa transport strike na isasagawa ng dalawang grupo.
Naniniwala rin si Marquez na hindi magiging malaki ang epekto sa mga pasahero ang isasagawang transport strike sa Lunes.
Facebook Comments