Transport Strike sa Pangasinan ngayong araw ikinasa na

Ikinasa na ang tigil pasada ng mga tsuper ng jeep sa Pangasinan bilang protesta sa nakaambang jeepney modernization program ng gobyerno.

Lumahok sa Transport Strike sa lalawigan ang Alliance of Transport Organizations Province-wide o AUTOPRO, Alliance of Concerned Tranpsort Group o ACTO at ang Painagkaisahang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide o PISTON.

Sa panayam ng Ifm Dagupan kay Bernard Tuliao, Presidente ng AUTOPRO Pangasinan, sinabi nito na tuloy na tuloy na ang tigil pasada ng mga nasabing samahan sapagkat ito ay isang panawagan sa gobyerno ng paghingi ng palugit sa PUV Modernization Program.


Hangad nito ang mapayapang tigil pasada at hindi umano pipilitin ang ibang tsuper kung sakaling ang mga ito ay pumasada.

Samantala, nag-abiso naman ang Land Transportation franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 1 ang mga local na pamahalaan na gumawa ng contingency plan ngayong araw upang maserbisyuhan ang mga mananakay.

Una ng sinabi ng LTFRB region 1 na tatanggalan ng prangkisa ang mga tsuper na lalahok sa nasabing tigil pasada.

Facebook Comments