Transport system ngayong Undas, handa na ayon sa DOTr

Sinisiguro ng Department of Transportation (DOTr) na handa na ang mga transport system ngayon nalalapit na Undas.

Sa pulong balitaan ng DILG, sinabi ni Transportation Assistant Secretary Maricar Bautista na na-inspeksyon na ang mga bus terminal, pantalan, at tren at naka-heightened alert na ang mga ito upang tugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero at turista.

Dagdag pa ni Bautista na bukod sa paghahanda ng ahensya ay pinapaalalahanan din niya ang mga motorista na magbaon ng mahabang pasensya at lamig ng ulo sa kabila ng maraming insidente ng road rage.

Patuloy na nakaantabay rin ang DOTr sa mga pasaherong kailangan ng tulong ngayong Undas.

Facebook Comments