Posibleng gamitin na ring COVID-19 vaccination sites ang mga intergrated transportation terminal sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kaungay sa pagbabakuna ng publiko kontra COVID-19 sa naturang lugar.
Kasunod na rin ito ng umiiral na “No vaccination, No ride’ Policy sa National Capital Region (NCR).
Samantala, sinisilip na rin ng Department of Transportation (DOTr) ang ibang istasyon ng tren at maging ang mga expressways bilang vaccination sites.
Facebook Comments