TRANSPORTASYON | DOE, hindi kumbinsido na magtaas ng pamasahe ang mga pampublikong saksakyan dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Manila, Philippines – Hindi kumbinsido ang Department of Energy (DOE) na dapat nang magtaas ng pamasahe ang mga pampublikong sasakyan dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Paliwanag ni Department of Energy Assistant Secretary Leonido Pulido III, hindi na muna dapat itaas ang mga pamasahe base lamang sa TRAIN law.

Ibinase nila ang posisyon sa presyo ng diesel sa pagitan ng 2014 at 2016, kung saan sumipa sa ito sa P49 pero hindi naman nagtaas ang presyo ng bigas at pasahe.


Iprinesinta rin ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) na noong 2008, sumipa naman sa P52 ang diesel pero nasa P8.50 lang ang pamasahe ng jeep.

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOE sa mga oil company para palawakin pa ang mga discount para sa Public Utility Vehicles.

Matatandaang, sunod-sunod ang naghain ng petisyon na magtaas ng pasahe ang jeep, Grab at Uber, na siyang didinggin ng LTFRB sa susunod na buwan.

Facebook Comments