Manila, Philippines – Mahigit 1,000 provincial buses ang binigyan ng
special permits ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
(LTFRB) para makabiyahe sa darating na Holy Week.
Ito ay para makatugon sa inaasahang dagsa ng mga uuwi sa kani-kanilang mga
probinsiya.
Kasabay nito, ilulunsad ng Department of Transportation (DOTr) sa Huwebes o
March 22 ang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018.
Mahigpit ding ipatutupad ang “No Leave, No Day-Off” sa lahat ng airport
personnel.
Itinalaga naman ang 7890 bilang DOTr action center hotline.
Magtatagal ang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018 hanggang April 5.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments