Cavite – Good news sa mga taga-Cavite na nagtatrabaho sa Metro Manila, sisimulan na ngayong taon ang konstrusyon ng Manila Light Rail Transit System Line 1 (LRT-1) extension mula Baclaran sa Parañaque City hanggang Bacoor City, Cavite.
Ayon sa operator ng LRT na Light Rail Manila Corporation (LRMC), target nilang simulan ang pagpapatayo nito sa buwan ng Hunyo.
Inaayos na lang umano ang isyu sa right of way ng matatamaan ng LRT-1 Cavite Extension Project.
Target naman matapos ang 64 billion pesos LRT-1 project sa taong 2021 kung saan inaasahang aabot sa 410,000 na pasahero ang kayang serbisyuhan araw-araw.
Facebook Comments