Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mismong siya ang nag-utos na gamitin ang mga eroplano ng gobyerno para sa transportasyon ng mga medical supplies na binili sa China.
Kasabay ito ng nakatakdang pagbusisi ng Senado para alamin ang mga detalye kung sino ang may kagagawan sa paggamit ng mga military at naval assets.
Ayon kay Pangulong Duterte, desisyon na ng gobyeno kung ano ang paraan ng pagde-deliver.
Para rin naman aniya ito sa bansa na nahaharap sa krisis dulot ng COVID-19.
Kasabay naman ng sinabi ni Pangulong Duterte, nilinaw ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na hindi government flights ang ginamit sa pagdeliver ng mga bakuna.
Matatandaang mula sa ulat na nakuha ng Senado, April 2020 nang gamitin ng pamahalaan ang BRP Bacolod ng Philippine Navy at ang C-130 plane ng Philippine Air Force sa pagkuha ng mga Personal Protective Equipment (PPE) sa Xiamen, China.