Transportasyon para sa mga babalik na sa trabaho sa ilalim ng MECQ, pinatitiyak ni Senator Revilla

Bukas ay magsisimula na ang pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, at Cebu.

Tinukoy ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na sa ilalim ng MECQ, ay may mga piling industriya na ang magbubukas kaya maaari ng makabalik sa trabaho ang 50-porsyento ng kanilang mga manggagawa.

Gayunpaman, sa MECQ ay bawal pa rin ang pampublikong transportasyon kaya umaasa si Revilla na may naihanda ng masasakyan simula bukas ang mga mangagawang babalik sa trabaho.


Ayon kay Revilla, na siya ring Vice Chairman ng Committee on Public Services, sana ay matugunan ang pangangailangan lalo na ang kaligtasan ng mga mananakay papunta sa kanilang mga trabaho habang ipinatutupad ang MECQ.

Facebook Comments