Cauayan City, Isabela – Humihingi ng paumanhin ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan partikular ang mga Jeepney Associations dito sa lalawigan ng Isabela dahil sa maaaring pagtigil ng ilang mga sasakyang pampubliko kaugnay sa nakatakdang seminar sa mga drivers at operators na gaganapin sa June 25, 2018.
Ayon kay Ginoong Bryan Honrado, ang presidente ng San Mariano-Cauayan Jeepney Associations na ang naturang pagpupulong ay pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB dito sa lambak ng Cagayan.
Layunin umano ng seminar na magkaroon ng karagdagang kaalaman ang mga drivers upang matuto sa mga polisiya sa kalsada at bilang preparasyon din umano ito sa mga programa ng gobyerno na modernisasyon ng mga pampulikong sasakyan sa bansa.
Samantala ang susunod na seminar para sa iba pang draybers ay muling hihilingin sa mga darating na araw at ito ay muling gaganapin sa Cauayan City.