Manila, Philippines – Hihimukin ni Transportation Vice Chairman Edgar Mary Sarmiento ang komite na magsagawa ng emergency meeting kaugnay sa 1 month suspension ng LTFRB sa Uber.
Ayon kay Sarmiento, ito ay maituturing na emergency situation dahil maraming commuters ang apektado ng nasabing suspensyon kaya pakikiusapan niya ang Transportation Chairman na agad magpulong tungkol dito.
Para kay Sarmiento, masyadong mahaba ang isang buwan na suspensyon sa Uber.
Ngayon pa lamang ay marami ng umaaray na mga commuters dahil sa nagmahal ang ibang ride sharing app tulad ng Grab at malaking problema pa rin ang mass transport system sa bansa.
Nakita aniya sa nangyaring ito na hindi pa talaga handa ang gobyerno para tugunan ang kakulangan at problema sa transportation sector.
Giit ni Sarmiento, dapat ay nag-warning muna ang LTFRB sa Uber at hindi agad-agad nagpataw ng suspensyon.