Inaasahang lilikha ng higit 80,000 na trabaho ang transportation infrastructure na bunga ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Singapore.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, asahan nang makatutulong ito upang mapatatag ang ekonomiya ng bansa sa gita ng mga hamon.
Si Bautista ay kabilang sa mga sumama kay PBBM sa Singapore.
Nangako ang kalihim na gagawing prayoridad ang pagkumpleto sa transportation projects sa rail, aviation at road sectors.
Tinukoy ni Secretary Bautista ang anim sa ongoing “important projects,” ng DOTr na inaasahang makukumpleto sa pagitan ng 2025 hanggang 2029.
Ito’y maliban sa three major projects sa aviation sector gaya ng Bulacan Airport (New Manila International Airport), Sangley Airport sa Cavite at ang modernization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa transportation sector, palalakasin din ang Cebu Bus Rapid Transit at Davao Modernized BRT.