Transportation Sec. Vince Dizon at transport cooperatives, nagkausap na

Nagkaharap na si Department of Transportation Secretary Vince Dizon at ang National Federation of Transport Cooperatives.

Ayon kay Dizon, personal niyang inalam ang mga isyu sa Public Transport Modernization Program (PTMP) upang makapagbigay ng kongkretong solusyon.

Tiniyak din ni Dizon sa grupo na pakikinggan ng Department of Transportation (DOTr) ang panig ng mga sang-ayon at kontra sa modernisasyon.


Ilan naman sa mga isyung pinunto ng mga miyembro kooperatiba ng programa ang financing ng mga makabagong unit, route rationalization, pa-sweldo sa transport workers, at hinggil sa mga kolorum na PUVs at iba pa.

Lumahok din sa dayalogo ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments