Transportation Secretary Arthur Tugade, nagpalabas na rin ng statement sa resignation ni Chavez

Manila, Philippines – Maging si Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ay nasopresa sa biglang pagbibitiw sa tungkulin ni Usec. for Rails Cesar Chavez.

Ginawa ni Tugade sa gitna ng mga naglulutangang hakahaka na siya ang dahilan ng pag alis sa tungkulin ni Chavez.

Sa katunyan, buo ang pagtitiwala ng kalihim kay Chavez sa mga itinutulak nitong pagbabago sa rail system.


Magkasama aniya sila ni Chavez sa mga pagpaplano at pagpapaunlad sa serbisyo ng MRT 3.

Tuloy-tuloy din ang kanilang palitan ng ideya kahit sa text na lamang kung hindi na sila nagkakaharap ng personal.

Facebook Comments