Transportation Secretary Arthur Tugade, pagpapaliwanagin ng Senado; Implementasyon ng cashless toll collection, dapat suspendehin

Ipapatawag at pagpapaliwanagin ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe si Transportation Secretary Arthur Tugade kaugnay sa sablay na implementasyon ng cashless toll collection sa mga expressways.

Ito ay dahil nagkaka-aberya ang sistema ng radio-frequency identification (RFID) na nagdudulot ng buhol-buhol na trapiko, bukod sa mahaba pa ring pila sa pagpapakabit ng RFID sticker.

Naghain din ng resolution si Poe para igiit sa DOTr na repasuhin ang kautusan nito at suspendehin muna ang planong full implementation ng cashless toll collection.


Punto ni Poe, bakit hahayaan na magbakbakan ang operator at local government at magdusa ang taumbayan gayong sa DOTr nanggaling ang direktiba para ipatupad ang cashless toll collection kahit hindi pa sapat ang preparasyon at hindi pa plantsado ang sistema.

Giit ni Poe, naiwasan sana ang kaguluhan kung nagsagawa muna ng konsultasyon ang DOTr sa lahat ng stakeholders at nakinig sa kanilang mga concerns.

Facebook Comments