TRAPIKO | MMDA, positibong malulutas ang problema sa traffic sa Metro Manila

Manila, Philippines – Malaking pondo, pagkakaisa ng pribado at pampublikong sektor at ang disiplina ng mamamayan ang ilan sa mga nakikitang paraan ng metropolitan manila development authority para masundan ang husay sa traffic management ng ibang bansa tulad ng sa Seoul, South Korea.

Sa forum na pinamagatang: “I.T.S the Way: a Forum on Intelligent Transportation System Towards a Smart Mega-Manila.”, maging si MMDA Chairman Danilo Lim ay aminadong humanga sa pagkakaroon ng mahusay na sitwasyon sa trapiko ng Seoul, na malayong malayo sa Metro Manila.

Binigyang halimbawa na dito ang ginagamit na teknolohiya ng gobyerno ng South Korea sa pamamagitan ng kanilang Integrated Traffic Management Center.


May 71 na libong CCTV camera din ang Seoul para mamonitor ang 10 milyong mamamayan nito.

Habang sa Metro Manila lamang, sa.15 milyong mamamayan nito, nasa 300 CCTV camera lang ang nakakalat sa mga stratehikong lugar nito.

Aminado si Lim na mahirap talagang maghanap ng solusyon sa problema sa trapiko.

Pero sa ngayon anya ay binbigyan na ng ahensya ng mahigpit na pagpapatupad ang mga batas sa kalye, para maibsan ang problema sa trapiko.

Facebook Comments