Mas maiikli pa ang biyahe ng mga motorista at makauuwi nang maaga matapos makumpleto ang major infrastructure project sa Metro Manila.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, napaluwag ng Metro Manila Skyway Stage 3 ang EDSA, partikular ang travel time sa pagitan ng South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX) ng 30 minuto mula sa dating dalawang oras.
Higit 70,000 motorista ang gumagamit ng bagong skyway para maiwasan ang matinding trapiko sa EDSA.
Ang Skyway Stage 3 ay nagsisilbing alternative road para malampasan ang mga pangunahing kalsadang madalas masikip ang trapiko.
Ang proyektong ito ay bahagi ng Build Build Build Infrastructure Program.
Facebook Comments