TRASLACION 2018 | 1,300 traffic enforcers, ide-deploy

Manila, Philippines – Magde-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 1,300 traffic enforcers sa pista ng Itim na Nazareno sa Enero a-nueve.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, Enero 5 pa lang ay sisimulan na nila ang deployment sa Quirino Grandstand bilang bahagi ng kanilang emergency preparedness sa pista.

Tutukan ng nasbaing mga personnel ang first aid, pagbabantay sa pahalik sa Enero 8 at pagdadala sa black nazarene sa luneta.


Samantala, nasa 500 sundalo naman ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines para makatuwang ng Manila Police District sa pagbibigay seguridad.

Facebook Comments