Manila, Philippines – Magpapakalat ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ng 220 CCTV cameras sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.
Sabi ni Johny Yu, hepe ng MDRRMO – ang mga naturang CCTV ang magsisilbing mata sa kapistahan ng Black Nazarene.
Bukod sa mga CCTV ay mayroon ding mahigit limang libong tauhan nila kabilang na ang medical rescue team ang aalalay sa daraanan ng prusisyon.
Milyung-milyong deboto ang inaasahan ng NDRRMO na dadagsa sa January 9.
Kaya nagposte rin sila ng dalawampu’t anim na medical stations at apat na command posts mula Quiapo, Luneta, Manila City Hall hanggang sa headquarters ng MPD para makaresponde kaagad at makapaghatid ng serbisyo-medical.
Facebook Comments