TRASLACION 2018 | 500 sundalo, ide-deploy

Manila, Philippines – Kasado na ang ipatutupad na hakbanging pang-seguridad ng Armed Forces of the Philippines Joint Task Force National Capital Region para sa traslacion ng Nazareno.

Ayon sa bagong AFP Joint Task Force NCR Brigadier General Allan Arrojado, nasa isang batalyon o 500 sundalo ang ipoposte sa seguridad ng okasyon.

Idinagdag ni Arrojado na nakahanda rin ang iba pang puwersa ng AFP sakaling kailanganin ng dagdag na seguridad.


Wala ring natatanggap na anumang banta ang AFP sa traslacion maliban lamang sa mga kriminalidad na posibleng manamantala.

Facebook Comments