TRASLACION 2018 | Bilang ng mga debotong dadagsa sa pista ng Nazareno, posibleng mas mataas

Manila, Philippines – Inaasahang tataas ang bilang ng mga taong makikipagdiwang sa pista ng Nazareno ngayon taon ayon sa Manila Police District (MPD).

Ayon kay Supt. Lucille Facho ng MPD, nasa limang libong pulis ang ipakakalat nila para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga makikiisa sa traslacion.

Samantala, handang-handa na ang pamunuan ng Quiapo church sa pagdagsa ng milyon-milyong deboto para sa taunang pista ng poong Nazareno, kasabay ng bahagyang pagbabago sa ruta at pagdiriwang ng prusisyon.


Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo church, magkakaroon ng 12 prayer station na itatayo sa iba-ibang bahagi ng ruta para sa mas mataimtim ang traslacion.

Mayroon ding kaunting pagbabago sa rutang dadaanan ng andas dahil magco-counterflow ang andas pagdating sa Padre Burgos patungong Jones Bridge para maiwasan ang umano’y delikadong lagusnilad.

Sa Enero 4 at 5 sisimulan ang huling paghahanda para sa pista.

Narito ang iskedyul ng mga aktibidad kaugnay ng traslacion 2018:

• Enero 7, 2 P.M. – Procession of Replicas
• Enero 8, 6 A.M. – Pahalik
• Enero 8, 5 P.M. – Start of Vigil
• Enero 9, 12 M.N. – Holy Mass
• Enero 9, 3 A.M. – Start of Hourly Mass in Quiapo Church
• Enero 9, 4 A.M. – Morning Prayer
• Enero 9, 4:30 A.M. hanggang 5 A.M. – Start of Traslacion

Facebook Comments