TRASLACION 2018 | Ilang kalsada sa Maynila, isasara na

Manila, Philippines – Ilang kalsada sa lungsod ng Maynila ang isasara sa mga motorista.

Kaugnay ito ng isasagawang prusisyon ng mga replika ng Poong Itim na Nazareno.

Kabilang rito ang:


– Southbound lane ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza patungo ng Plaza Miranda

– Eastbound lane ng Cm Recto Avenue mula Rizal Avenue patungo ng SH Loyola Street

РWestbound lane ng Espa̱a Boulevard mula P. Campa patungong Lerma Street.

Pinapayuhan naman ang mga motoristang magmumula ng Espana Boulevard patungo ng Roxas Boulevard, Pier South o Taft Avenue, na kumanan sa P. Campa at diretso sa Fugoso Street patungo sa destinasyon.
Para naman sa mga magmumula sa A. Mendoza na patungo sa Quezon Boulevard, kumanan lamang sa Fugoso, kaliwa sa Rizal Avenue patungo sa destinasyon.

Sa mga motorista na dadaan ng SH loyola at magmumula sa Balic-Balic area patungo ng Quiapo, kumanan sa CM Recto Avenue patungo sa destinasyon.

Facebook Comments