TRASLACION 2018 | Mga motorista, inabisuhang dumaan sa mga alternatibong ruta

Manila, Philippines – Inabisuhan ngayon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga motorista na dumadaan sa Maynila na gumamit ng alternatibong ruta sa January 7.

Sa inilabas na abiso ng MDTEU, alas onse pa lang ng umaga sa linggo tatlong kalsada na ang isasara bilang paghahanda sa prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno na magsisimula alas dos ng hapon.

kabilang rito ang:
– Southbound Lane Ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda
– Eastbound Lane ng C.M Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang S.H Loyola Street
– Westbound Lane ng España Boulevard mula P. Campa Hanggang Lerma St.


Magsisimula ang prusisyon sa Plaza Miranda saka kakaliwa sa Quezon Boulevard hanggang sa makarating sa Quiapo Church.

Lahat ng mga sasakyan na magmumula sa España Boulevard na patungong Roxas Boulevard, South Pier Zone o Taft Avenue, ay pinapayuhang kumanan sa P. Campa at diretso sa Fugoso Street.

Para naman sa mga manggagaling sa A. Mendoza patungong Quezon Boulevard, kumanan sa Fugoso Street saka kumaliwa sa Rizal Avenue.
Inaabisuhan namang kumanan sa Rizal Avenue ang mga motoristang manggagaling sa Divisoria at patungong CM Recto.

Kung papunta naman sa Quiapo mula sa Balic-Balic, kumanan sa CM Recto Avenue.

Facebook Comments