Manla, Philippines – Handang handa na ang hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagbibigay ng mahigpit na seguridad sa gaganaping Traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa January 9, 2018.
Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, sa ngayon mayroon ng skeletal deployment sa lugar dahil patuloy na ang mga aktibidad partikular na aniya ang pagsasagawa ng misa simula ngayong araw.
Ipapakalat aniya ang limang libo, anim naraan at labing tatlong mga pulis para mag bantay sa gagawing prusisyon at iba pang aktibidad na may kinalaman sa Traslacion.
Bukod rito may augmention force rin mula sa Joint Task Force National Capital Region ng Armed Forces of the Philippines na dalawang kompanya.
Isang company rin ng mga pulis mula sa Special Action Force, Snipers at mga miyembro ng Explosive Ordnance Division.
Idedeploy lahat ang mga ito sa January 8 ng gabi hanggang umaga ng January 10.
Hangang sa ngayon aniya wala silang namomonitor na banta sa seguridad para sa gaganaping traslacion ng poong itim na Nazareno.