
Manila, Philippines – May kaunting pagbabago sa magiging ruta ng traslacion ng poong Itim na Nazareno sa January 9.
Ayon kay Alex Irasga ng Quiapo Technical Working Group – ito ay para sa seguridad ng mga deboto at para na rin mas mapabilis ang prusisyon.
Kabilang sa nabago ang daan ng andas mula sa roxas Katigbak Road na ngayon ay magka-counter flow na sa westbound lane ng P. Burgos.
Kung dati ay nasa kanang bahagi o tapat ng Planetarium dumadaan ang andas mula sa Quirino Grandstand, sa kabilang bahagi na ito at hindi na daraan sa ilalim ng lagusnilad.
Ibig sabihin, mula sa Roxas Katigbak Drive, diretso na ang prusisyon sa Jones Bridge.
Inaasahang aabot sa 19-milyong deboto ang lalahok sa mga aktibidad sa Pista ng Black Nazarene.
Facebook Comments









