Manila, Philippines – Inilabas na ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang ruta na daraanan ng Traslacion o prusisyon ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Magsisimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand; sa Katigbak Drive patungong Padre Burgos; kakaliwa sa Taft Avenue patungong Jones Bridge.
Kakanan sa kalye Dasmariñas; kakanan sa Plaza Sta. Cruz; kakaliwa sa Palanca patungong Quezon Bridge; kakaliwa sa Quezon Blvd.; kakanan sa Arlegui.
Kakanan sa Kalye Fraternal; kanan sa Vergara; kaliwa sa Duque De Alba; kaliwa sa Castillejos; kakanan sa Arlegui; kakaliwa sa Nepomuceno; kakaliwa sa Aguila; kakanan sa Carcer; kakanan sa Hidalgo patungong Plaza Del Carmen.
Pansamantalang hihinto ng ilang minuto ang andas ng poong Nazareno sa harap ng san Sebastian Basilica para sa tradisyunal na dungaw at saka magpapatuloy ang prusisyon.
Kakaliwa sa Bilibid Viejo patungong kalye Gil Puyat; kakaliwa sa Z.P. De Guzman; kakanan sa Hidalgo; kakaliwa sa Bautista; kakanan sa Globo De Oro; kakanan sa Palanca; kanan sa Villalobos patungong Plaza Miranda hanggang makabalik sa simbahan ng Quiapo.
Inaasahang aabot sa labing pito hanggang dalawangpung milyong deboto ang makikiisa sa pista.
Nasa limang libong pulis naman ang idedeploy sa ruta ng Traslacion maliban pa rito ang augmentation force na 1,500 mula sa National Capital Region Police Office at ibang rehiyon.
Magsisilbing commander ng task group Nazareno si NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde habang ground commander si Manila Police Distirct Dir. Chief Supt. Joel Coronel.