TRASLACION 2018 | Sirang kalsada na dadaanan ng prusisyon, sinuguradong maayos agad

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Public Works and Highway na matatapos ang kanilang pagkukumpuni ng mga sirang kalsada bago ang Traslacion ng itim na Nazareno.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, inatasan na nito ang kanyang mga enhenyero na madaliin ang pagkukumpuni ng mga sirang kalsada sa Padre Burgos Street at MC Arthur Bridge na dinadaanan ng Traslacion ng Hesus Nazareno.

Una rito, umani ng mga batikos mula sa mga motorista at deboto ng poong Nazareno ang nakatiwang-wang na imburnal at nakalaylay na kawad ng kuryente sa Padre Burgos Street na lubhang napakadelikado sa mga debotong dadaan sa naturang lugar.


Giit ng kalihim inispalto na nila ang kahabaan ng Roxas Blvd. at Padre Burgos Street upang matiyak na ligtas ang mga namamanata sa poong Nazareno na sasama sa Traslacion.

Facebook Comments