Manila, Philippines – Zero Waste ikinampanya ng EcoWaste Coalition sa kapistahan ng Poong Nazareno.
Ilang araw bago sumapit ang kapistahan ng poong Hesus Nazareno inaasahan na naman ang milyong deboto na makikiisa sa pagdiriwang.
Kaugnay dito muling nanawagan ang grupo ng Ecowaste Coalition na may temang Fiesta ng Poong Hesus Nazareno: Walang Kalat na Traslacion ng poong Hesus Nazareno.
Ayon kay Daniel Alijandre Zero Waste Campaigner, mas magiging sagrado ang pagdiriwang ng fiesta ng poong Hesus Nazareno kung igagalang natin ang kalikasan.
Pulutin ang mga basag na bote at stick ng barbecue o banana cue na posibleng makasugat sa sasama sa Traslacion at iwasan ang pagtatapon ng basura na nagiging dahilan ng pagbaha kapag umuulan.
Bagamat may mga naglilinis na mula sa MMDA at LGU Manila sa likurang bahagi ng Traslacion kailangan makiisa ang mga deboto para hindi dumami ang kalat ng basura may dala rin ang Ecowaste Volunteer na Waste basket na umiikot para doon ilagay ang mga basura.