Traslacion 2019, generally peaceful – PNP

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang taunang prusisyon ng Itim na Nazareno.

Sa huling tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tinatayang aabot sa apat na milyong deboto ang nakiisa sa Traslacion.

Kabilang dito ang mga dumalo sa mga misa, prusisyon at sa pahalik.


Sa interview ng RMN Manila kay NCRPO Director Guillermo Eleazar – wala naitalang untoward incidents habang isinasagawa ang Traslacion.

Sinabi ni Eleazar – bubuo sila ng Technical Working Group (TWG) na mag-aaral sa posibilidad ng pagkuha ng crowd estimate.

Inamin rin ni Eleazar – na pinaikli ang ruta ngayong Traslacion.

Inaalam pa ang kabuoang bilang ng casualties.

Nasa 7,000 pulis at higit 2,000 sundalo ang nagtiyak ng seguridad sa ruta ng prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Facebook Comments