Traslacion ng Itim na Nazareno sa 2021, posibleng hindi matuloy

Posibleng walang isasagawang taunang tradisyunal na prosisyon ng imahen ng Itim na Nazareno kasabay ng Kapistahan ng Black Nazarene sa Enero ng susunod na taon.

Ayon kay Father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, maglalabas sila ng opisyan na anunsyo hinggil dito.

Sinabi ni Badong na maaaring hindi magkasa ng traslacsion sa susunod na taon bunga ng kasalukuyang health crisis.


Sakaling hindi man matuloy ang prusisyon, tiniyak ni Badong sa mga deboto na magpatutuloy ang tradisyon kapag bumuti ang sitwasyon sa hinaharap.

“It will be revived (in the future). But definitely there will be a big change in our celebration of Traslacion this year,” ani Fr. Badong.

Aniya, posibleng magsagawa ng mas maraming misa sa Quiapo Church para sa Traslacion 2021 para mas maraming ma-accommodate na tao.

“We might increase the number of masses, possibly round the clock masses. It is also possible that we will spread out the masses to avoid convergence of people,” sabi ni Fr. Badong

Umapela si Badong sa mga deboto ng pang-unawa at maging bukas sa mga pagbabago.

Inaasahang i-aanunsyo ng Quiapo Church ang mga opisyal na aktibidad ng Traslacion 2021 ngayong Nobyembre.

Ang Kapitahan ng Itim na Nazareno ay ginugunita tuwing Enero 9 kung saan nagkakaroon ng malaking prusisyon ng imahe na magsisimula sa Quirino Grandstand sa Luneta pabalik ng Quiapo Church sa Manila.

Facebook Comments