Naging mabilis ang pagdaraos ng Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Ito ay dahil nagtapos lamang sa loob ng higit 16 na oras ang prusisyon, kumpara sa mga nagdaang taon na umaabot ng nasa 20 oras.
Alas-8:50 kagabi nang maipasok ang Andas ng Poong Nazareno sa simbahan ng Quiapo.
Resulta ito ng mga pagbabagong ipinatupad ng Manila City Government at ng National Capital Region Police Office (NCRPO) lalo na sa ruta at panuntunan ng taunang prusisyon.
Ayon kay NCRPO Chief, Brig/Gen. Debold Sinas – naging matagumpay ang Traslacion ngayong taon at walang napaulat na major incident.
Nabuwag din ang “Andas wall” na binubuo ng 2,000 pulis at sundalo dahil sa dami ng debotong gustong makalapit sa Andas.
Sa datos ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), aabot sa 3.3 million na deboto ang nakilahok sa Traslacion.