TRASLACION | Suspensyon ng permit to carry firearms sa Maynila, irerekumendang suspendihin

Manila, Philippines – Irerekomenda umano ng NCRPO kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang suspensyon ng permit to carry firearms sa Maynila para sa traslacion ng Itim na Nazareno sa January 9.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni NCRPO Police C/ Supt. Oscar Albayalde na bahagi ito ng security procedure na ipatutupad sa taunang aktibidad sa Quiapo, Maynila.

Mananatili rin aniyang naka-full alert ang NCRPO hanggang matapos ang traslacion.


Ipinauubaya naman na ng opisyal sa executive committee kung irerekomenda nito ang pag-jam o pagpatay sa cellphone signal sa Maynila.

Facebook Comments