Trato ng isang customer, malaking bagay sa isang coffe shop sa Amerika

Amerika – Pasyal na sa isang coffee shop kung saan nakadepende ang presyo ng o-orderin ng isang customer sa kanyang attitude.

Gumamit ng simpleng paraan ang nasabing shop para mapagtanto ng customer na tao rin ang kausap nila kaya dapat respetuhin din ang mga ito.

Nakadepende ang presyo ng kape na oorderin ng mga customer kung paano nila orderin ito.


Kapag sinabi… ”small coffee” ay sisingilin ang customer ng 5 US dollars o 250 pesos.

“Small coffee, please” ay 3 dollars o 150 pesos.

“Hello, one small coffee please.” Ay 1.75 dollars o halos 90 pesos.

Ayon sa may-ari ng nasabing coffee shop, napagdesisyunan nila na gawin ito para mabigyang halaga ng mga tao na hindi masama ang magbigay ng paggalang o respeto.

Facebook Comments