Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Antonio Trillanes IV na hindi siya tatakas makaraang makalabas ng bansa para sa speaking engagements sa Europe at Amerika.
Matapos ang kanyang talumpati sa University of Amsterdam, sinabi ni Trillanes na nasa bansa siya para tuparin ang commitment sa unibersidad at makipagkita sa Filipino communities.
Umalis sa Pilipinas ang senador nang makapaglagak ng bail bond sa korte sa Pasay City para sa kasong libel na isinampa ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Pansamantala din nakalaya si Trillanes sa kasong rebelyon matapos ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang amnestiya.
Ayon pa sa senador, babalik siya sa Pilipinas sa January 11 bilang patunay na hindi siya tatakas sa anumang kaso laban sa kanya.