Travel at medical insurance coverage, nais palakasin ng DOT

Pinag-aaralan na ng Department of Tourism (DOT) na palakasin ang travel at medical insurance coverage sa mga Pilipino.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbawi ng travel restriction para sa outbound non-essential travel.

Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., mahalagang mayroong insurance para maprotektahan sila sakaling isailalim sila sa quarantine o ma-ospital.


Ang guidelines hinggil dito ay maaaring ilabas sa susunod na linggo.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 52, ire-require sa mga Pilipinong mag-aabroad na mag-avail ng travel at health insurance para sagutin ang rebooking at accommodation expenses sakaling ma-stranded sa ibang bansa, maging ang hospitalization sakaling magkaroon ng infection.

Bukod dito, requirement din sa outbound Filipinos ang pagsusumite ng confirmed round-trip ticket lalo na sa mga bumibiyahe na may tourist visa, at pirmadong dokumento na kinikilala ang banta ng COVID-19 sa pagbiyahe kabilang na rin ang pagkaka-antala ng kanilang return trip.

Dapat ding alam ng biyahero kung papayagan ba silang makapasok sa kanilang pupuntahang bansa alinsunod sa travel, health at quarantine restrictions.

Facebook Comments