Tiniyak ng Malacañang sa publiko na ang travel restrictions na ipinatupad ng pamahalaan sa ilang mga bansa na may kaso ng bagong COVID-19 variant ay walang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang travel ban na ipinatupad ng Pilipinas sa 28 bansa ay hindi magtatagal ng isang buwan.
Pero importante ang travel restriction dahil mabibigyan nito ang bansa ng oras para makapaghanda sakaling may holiday surge ng COVID-19 cases.
Wala dapat ipag-alala ang publiko sa ekonomiya o ang bansa mula sa virus dahil pinapayagan pa rin makapasok sa bansa ang ilang dayuhan na visa holders ng economic zones.
Lumalabas sa pag-aaral na ang COVID-19 variant mula sa United Kingdom ay mas nakahahawa.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pa nade-detect dito sa Pilipinas ang bagong mutation.