Travel ban, ipinatupad na rin sa apat pang bansa dahil sa COVID-19 variant mula sa India

Nagpatupad na rin ng travel ban ang Pilipinas sa mga biyaherong mula sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka bilang pag-iingat sa COVID-19 variant na galing ng India.

Base sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, magiging epektibo ang travel restrictions mula ala-1:00 ng madaling araw ng Mayo 7 hanggang mayo 14, 2021.

Kasama rin sa mga bawal pumasok ng Pilipinas ang may travel history sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 araw.


Makapapasok pa naman sa bansa ang mga pasahero na in transit o ang mga makararating sa Pilipinas bago ang Mayo 7.

Pero kinakailangang nilang sumailalim sa mahigpit na quarantine at testing protocols kahit pa mayroong negative PCR test result ang mga ito.

Facebook Comments