Travel ban ng Hong Kong sa Pilipinas at 8 mga bansa, pinalawig pa hanggang April 20

Sa harap ng patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa Hong Kong, pinalawig pa hanggang April 20, 2022 ang travel ban ng HK laban sa Pilipinas at pitong mga bansa.

Bunga nito, umaabot na sa libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang stranded sa Pilipinas at hindi makabalik sa kanilang trabaho sa HK.

Anila, baon na sila sa utang sa Pilipinas at ang ilan ay malapit nang mapaso ang working visa.


Marami ring OFWs sa HK ang hindi makauwi ng Pilipinas dahil sa takot na hindi agad sila makapasok ng Hong Kong lalo na’t pahigpit nang pahigpit ang health protocols ngayon doon.

Bukod sa Pilipinas, sakop din ng flight ban ng Hong Kong ang Australia, Canada, France, India, Pakistan, UK at US.

Facebook Comments