Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na binabawi na ng Oman ang ban nito sa pagpapapasok ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at turista.
Sa virtual forum ng DOLE, sinabi ni DOLE Information and Publication Service Head Director Rolly Francia, na epektibo ngayong araw ang pag-lift ng Oman sa nasabing travel ban.
Bunga nito, nakahanda na aniya ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa deployment ng OFWs sa Oman kung saan ibabatay ito sa panuntunan ng Inter Agency Task Force (IATF).
Sa Setyembre 5, naman malalaman kung maaaring bawiin na rin ng Pilipinas ang travel ban nito sa Oman.
Facebook Comments