Malalaman bukas sa pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease kung isasailalim sa travel ban ang kabuuan ng South Korea.
Sa Laging Handa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Health ASEC. Rosette Vergeire na isa ito sa agenda ng task force bukas.
Sinabi pa nito na kada linggo nagsasagawa ng assessment ang task force kung saan magpapatupad ng travel ban o magkakaroon ba ng lifting ng travel ban.
Sa ngayon, umiiral ang travel ban sa Daegu City, Cheongdo County at buong probinsya ng North Gyeongsang, South Korea.
Maliban sa South Korea, i-aassess din ng Inter-Agency Task Force kung magpapatupad na ng travel ban sa Japan at Iran na mayroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Facebook Comments