Travel ban sa Canada ng mga opisyal ng pamahalaan binawi na ng Malacanang

Tinanggal na ng Palasyo ng Malacanang ang utos nito sa mga opisyal ng Pamahalaan na huwag pumunta sa Canada at bawasan ang pakikipag ugnayan sa mga opisyal nito.

 

Matatandaan na ang kautusan ay dahil sa issue ng basura na dati ay hindi pa nahahakot ng Canada para ibalik sa kanilang bansa.

 

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, binawi na nila ang unang kautusan matpaos hakutin na noong nakaraang linggo ng Canada ang basura.


 

Nabatid na pinabalik narin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ang embassy officials ng Pilipinas sa Canada dahil sa pagaksyon ng Canada sa mga basura na 6 na taon nang naka tengga sa Pilipinas.

Facebook Comments