Travel ban sa China, Macau at HK, huwag patagalin

Manila, Philippines – Pinayuhan ni House Committee on Economic Affairs Chairman Sharon Garin na huwag patagalin ang travel ban ng bansa sa China, Macau at Hong Kong dahil sa 2019 novel corona virus – acute respiratory disease.

Sinabi ni Garin na hindi maituturing na long-term solution ang travel ban bilang approach sa nakakahawang sakit.

Inirekomenda ng kongresista ang pagpapatupad ng safeguards upang malabanan ang virus.


Sa oras naman na makapaglatag na ang gobyerno ng mga paraan laban sa 2019-NCoV-ARD tulad ng sapat na quarantine, isolation at monitoring ay maari nang luwagan ang umiiral na travel ban.

Babala ni Garin, hindi lang naman sa turismo makakaapekto ang travel ban kundi maging sa ekonomiya ng bansa at kabuhayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa China at mga special administrative regions nito.

Sa susunod na linggo ay ipapatawag ng komite ni Garin at ng House Committee on Tourism ang NEDA, DOT at DTI upang maglatag ng iba pang mas epektibong paraan para maibsan ang epekto ng travel ban sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments