Travel ban sa ilang mga bansa binawi, Palasyo nagpaliwanag

Naglaban bawi ang gobyerno sa pagpapatupad ng travel ban sa ilan pang mga bansang nakitaan ng panibagong strain ng COVID-19.

Sa naunang anunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III at sa post ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang Facebook page na base naman sa napagpulungan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kahapon, isinailalim sa travel ban ang United Kingdom (UK), Switzerland, Denmark, Hong Kong, Ireland, Singapore, Japan, Germany, Australia, Iceland, South Africa, Italy, Israel, Spain, The Netherlands, Lebanon, Canada, Sweden, France at South Korea.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bumubuo pa ng guidelines kaugnay rito ang IATF.


Sa makatuwid hanggang sa mga oras na ito, ang umiiral pa lamang na travel ban ay para sa mga pasahero na manggagaling sa UK.

Facebook Comments