Travel ban sa mga bansang may mataas na passenger traffic mula sa India, pinag-aaralan na ng pamahalaan

Magpapatupad ng karagdagang precautions ang pamahalaan para mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 surge sa India patungo sa Pilipinas.

Matatandaang nagpatupad ang pamahalaan ng travel restrictions mula sa mga biyaherong galing India mula noong April 29 hanggang May 14, 2021 kung sakop din maging ang mga Pilipinong nandoon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinag-aaralan kung magpapatupad na rin ng travel ban sa iba pang bansang may mataas na passenger traffic mula sa India para malimitahan ang pagkalat ng virus.


Inirekomenda na mismo ng World Health Organization (WHO) ang malawak na travel restrictions sa harap ng nararanasang surge sa India.

Pag-aaralang mabuti ito ng pamahalaan dahil hindi basta-basta pwedeng ipagbawal ang mga biyahero mula sa Middle East kung saan maraming overseas Filipinos ang nagtatrabaho.

Sinabi ni Roque na palalakasin ng gobyerno ang healthcare capacity para sa mga COVID-19 patients.

Facebook Comments