Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban mula sa 19 na mga bansang nakapagtala ng bagong COVID-19 variant.
Ayon ay Presidential Spokesperson Harry Roque, epektibo ang travel ban mula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 hanggang Enero 15, 2021.
Kabilang sa mga bansang ipatutupad ang travel ban sa:
– Switzerland
– Denmark
– Hong Kong
– Ireland
– Singapore
– Japan
– Germany
– Australia
– Iceland
– South Africa
– Italy
– Israel
– Spain
– The Netherlands
– Lebanon
– Canada
– Sweden
– France
– South Korea
Ang mga pasaherong nasa biyahe na bago pa ipatupad ang travel ban mula sa 19 na bansang nabanggit ay papayagan pa ring makapasok ng bansa.
Pero sasailalim pa rin ang mga ito sa 14 days mandatory quarantine kahit na magnegatibo sila sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Una nang ipinatupad ng pamahalaan ang travel ban sa mga biyahero mula United Kingdom kung saan nakapagtala rin ng bagong COVID-19 variant.