Travel ban sa mga foreign nationals mula UAE at Hungary dahil sa bagong COVID-19 variant, simula na mamayang gabi ayon sa BI

153

Pinalawak pa ng Bureau of Immigration (BI) ang travel restrictions sa mga foreign nationals sa pagpasok sa bansa bilang pag-iingat sa bagong variant ng COVID-19.

Epektibo mamayang gabi ang travel ban sa mga dayuhan mula sa United Arab Emirates at Hungary.


Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, umabot na sa 35 ang bansa na may travel ban sa Pilipinas.

Paliwanag ni Morente, kabilang sa huling nadagdag ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman.

Muling nilinaw ng BI na lahat ng mga Pilipino na galing sa mga restricted countries ay makapapasok sa bansa ngunit kailangang dumaan sa 14-day quarantine.

Facebook Comments