Travel ban sa mga pasahero mula UK, pinalawig hanggang January 14 – BI

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na pinalawig hanggang Enero 14, 2021 ang travel restrictions sa mga pasaherong manggagaling ng United Kingdom.

Ito ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases(IATF-EID) na mananatiling bawal pumasok sa Pilipinas ang mga pasaherong mula UK sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng December 31, 2020.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, pamamadaliin na ang implementing regulations para sa Executive Order No. 122 o pagpapaigting ng border control sa pamamagitan ng adoption ng Advance Passenger Information System (APIS).


Ang APIS ay electronic communications system na kumokolekta ng biographic data sa mga pasahero o crew.

Bago ito, binigyan ang BI hanggang 60-araw mula sa pagkakalathala ng EO 122 noong December 15, pero inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na agad ipatupad ito para matunton ng BI ang orgins at connecting flights.

Sa kasalukuyan, nagpapatupad ang BI ng 100-percent passport inspection para malaman ang travel history ng mga paparating na pasahero sa nakalipas na 14 na araw.

Facebook Comments